Naglakad muna si Weed patungo sa fountain at pinuno ang kanyang lalagyan ng tubig, saka siya nagtungo sa sculpture shop. Ito ang unang beses na naglakad si Weed sa mga kalye ng Citadel, at punong-puno ito ng mga user at NPC.
"Kailangan namin ng cleric na level 17 o pataas!" "Uy, mga kasama! Magre-raid tayo sa Cave Lasok. May gustong sumama?"
Maraming user ang nasa kalye, ngunit wala ni isa sa kanila ang nagbigay pansin kay Weed. Gayunpaman, hindi niya ito pinansin. Ang pagala-gala na nakasuot ng pang-traveler, na wala man lang breastplate, ay nagpakita na hindi pa niya naabot ang minimum na requirement ng apat na linggong paglalaro bago siya makalabas ng Citadel.
Sa napakaraming tindahan na nagpapatakbo sa kabisera ng Rosenheim Kingdom, may espesyal na posisyon ang sculpture shop.
Halos hindi maalala ng karaniwang adventurer kung nasaan ang sculpture shop dahil wala itong kahulugan sa kanila. Tanging napakaliit na bilang lamang ng mga user na natuto ng Sculpture Art ang pana-panahong bumibisita. Ngunit ang sculpture shop ay nakatayo sa tabi mismo ng tindahan ng alahas sa Central Avenue, at isa sa iilang madalas bisitahin na tindahan ng mga maharlika.
Tunog ng kampanilya
Pumasok si Weed sa sculpture shop.
"Maligayang pagdating— oh, anong nagdala sa iyo dito, estranghero?"
Tinanggap ng shopkeeper ang bagong customer nang may banayad na ngiti, hanggang sa makita niya ang suot ni Weed. Sa puntong iyon, bigla niyang binago ang tono ng kanyang boses.
Tiningnan ni Weed ang paligid ng tindahan, at natuklasan na wala nang ibang customer maliban sa kanya. Ang isang pandayan o tindahan ng gulay ay laging puno hanggang sa limitasyon ng kapasidad, ngunit ang sculpture shop ay iilang customer lamang ang inaaliw sa isang araw, kung meron man.
Kung ikukumpara ang pang-araw-araw na kita, gayunpaman, nahuhuli ang sculpture shop sa pandayan. Sa madaling salita, ang sculpture shop ay nagbebenta ng medyo mamahaling paninda.
Inayos ni Weed ang kanyang kwelyo at magalang na nagtanong,
"Napadaan po ako dito upang makahanap ng sagot sa tanong na labis kong pinag-aalala, sir."
"Kaya gusto mo akong tanungin, estranghero?"
"Opo, sir. Kung maaari po ninyo akong bigyan ng sandali."
"Abala ako ngayon, pakiusap, umalis ka na."
Agad siyang tinanggihan ng shopkeeper, na tila naiinis. Dahil zero ang fame ni Weed, at hindi sila magkakilala, may karapatan ang shopkeeper na paalisin siya sa tindahan.
"Opo, sir. Magkikita na lang po tayo mamaya."
"Paalam," sabi ng shopkeeper.
Naglaan ng oras si Weed upang umatras patungo sa pintuan. Pagkatapos, kaswal niyang sinulyapan ang mga estatwa na nakadisplay.
"Napakagandang!"
Bulalas ni Weed.
"Ang ganda ng estatwang ito ay nakakaakit sa aking kaluluwa. Nagsu-supply po ba kayo nito sa Rosenheim Court?"
Hindi maiwasang mapakinggan ng shopkeeper si Weed.
"Alin ang tinutukoy mo, estranghero?"
"Itong dalawang-ulong agila na gawa sa purong ginto. Hindi ko man lang mahulaan kung sinong maestro ang nag-ukit nito, ngunit nararamdaman ko ang kahusayan ng kanyang pagkakagawa. Ito ay marangal na walang pagtatalo. Ito ay parang buhay na halos napagkamalan ko itong tunay na agila, at pinagpala ako sa pagbisita sa lugar na ito. Karapat-dapat sa ganitong klase ng item ang tindahang ito. Binuksan nila ang aking mapagpakumbabang mga mata sa isang makalangit na kagandahan na bumaba sa Lupa."
Nang hindi namamalayan ng shopkeeper, ang kanyang bibig ay bumubuo ng isang pahalang na gasuklay. "Interesado ka ba...
"sa sculptural art, traveler?" "Masasabi kong oo— Nais ko lamang na maramdaman ang kapayapaan ng isip sa paningin ng mga natatanging estatwa, at ang aking kaluluwa ay nananabik na maging maliit na bahagi lamang ng maringal na espiritu na nilalaman ng mga ito."
"Halika at maupo ka. Maaaring maging magandang kasama ka upang gisingin ako mula sa pagkabagot."
"Salamat po, sir."
"Gusto mo ba ng isang tasa ng tsaa?"
"Kung mabait lamang kayo na alukin ako ng malamig na tubig na may pulot. Kasiya-siya na sa akin ang isang tasa ng malamig na tubig."
"Siyempre! Oo naman, meron ako niyan."
Ininom ni Weed ang tubig na may pulot na hinalo ng shopkeeper, na nagpakalma sa pagod na naipon niya sa loob ng nakaraang tatlong linggo.
"Ngayon, sabihin mo sa akin kung ano ang labis na bumabagabag sa iyo?" Tanong ng shopkeeper.
"Opo, sir. Sana po ay mapatawad ninyo ako, ngunit bago ang lahat ng bagay, maaari po ba akong humiling ng isang maikling tour ng mga estatwang nakadisplay dito? May importanteng bagay po akong kailangan ng inyong gabay, subalit mas matindi po ang kagustuhan ng aking kaluluwa na makita nang personal ang mga kahanga-hangang obra maestra ng sining na ito!" Sabi ni Weed.
"Maaari mo silang tingnan hangga't gusto mo. Hindi ba't ang raison d'être ng mga magagandang estatwa ay upang pasayahin ang mga taong nagpapahalaga sa kanilang halaga?" Sumang-ayon ang shopkeeper nang may kasiyahan na ngiti. (PR: Raison d'être: Isang pranses na parirala na nangangahulugang "dahilan ng pag-iral")
Naramdaman ni Weed na nakuha niya ang magandang kalooban nito, na halos hindi na ginugulo ng mga bisita at malayo sa pansin ng publiko. Ipagpalagay na humingi ka ng pahintulot na tingnan ang iba't ibang item sa isang grocery store—sa susunod na segundo ay papaalisin ka.
Nasiyahan si Weed sa mga estatwa na nakadisplay sa kanyang paglilibang. Ngunit may sarili siyang agenda.
"Duda ako na magkakaroon ng malaking pera sa pagiging sculptor."
Ang pinakamahal na estatwa na kasalukuyang naroroon ay nagkakahalaga ng 30 silvers. Ang mga de-kalidad na estatwa ay gawa sa bato o bihira na kahoy, at sa kabila ng kahanga-hangang pagkakagawa, ang mga materyales mismo ay hindi mahal sa simula pa. Wala silang iba kundi mga ukit na kahoy, o inukit na bato.
Alam ni Weed na magkakaroon ng pera kung makakagawa siya ng higanteng estatwa ng leon o estatwa ng tanso, ngunit hindi siya naloko ng posibilidad na malayo pa. Anong klase ng maharlika na maraming pera ang mag-o-order ng bagong estatwa bawat taon? Kailangan niyang marating ang tuktok ng hagdanan upang maging matagumpay bilang isang sculptor. Ang maliit na kumpetisyon ay nagagarantiya na hindi ito mangangailangan ng labis na pagsisikap upang maging pinakamahusay sa industriya.
Gayunpaman, ito ay isang niche market, masyadong maliit upang asahan. Ang garantisadong paraan upang kumita ng malaki ay ang targetin ang ibang mga user bilang potensyal na consumer. Palagi silang nagle-level up at humihingi ng mas mahusay na kagamitan, at iba pa.
Ang mga sandata na may apoy, malalakas na kagamitan, mga enchanted na pulseras at singsing ay popular sa mga user, ngunit ang mga estatwa ay walang halaga sa kanila maliban sa mga bihirang pagkakataon.
"Sayang sa oras, sayang sa pera," naisip niya.
Ang pangunahing layunin ni Weed sa pagsisimula ng larong ito ay kumita ng pera, na may malaking titik na M. Tiningnan niya ang display sa huling pagkakataon at ipinasa ang kanyang hatol sa sculpture mastery.
"Ang kasanayang ito ay walang halaga," naisip ni Weed habang umupo siya sa harap ng shopkeeper.
"Ngayon, ano ang hinahanap mo?" tanong ng shopkeeper.
"Interesado ako sa isang nakaraang pangyayari. Sinabihan ako na may nag-ukit ng sinag ng buwan sa Royal Palace limampung taon na ang nakalipas. Gusto kong malaman kung may katotohanan sa pangyayaring iyon," sabi ni Weed.
"Oh, ang pangyayaring iyan! Isa itong maalamat na kuwento na naipasa-pasa sa mga sculptor. Narinig ko rin ito mula sa ilang mapagkakatiwalaang patron mula sa Royal Court."
Inakala ni Weed na imposibleng ukitin ang sinag ng buwan, isa pang urban legend, ngunit alam din ng may-ari ng sculpture shop ang tsismis na sinabi ng instruktor sa Training Hall na narinig niya.
Ting
Quest Completed: Isang Misteryosong Sculptor na Rumored na Bumisita sa Royal Palace
Ang tsismis na nakarating sa instruktor ay totoo. May isang sculptor na nag-ukit ng sinag ng buwan. Kilala ito ng marami, bagama't lihim, sa mga Serebourgians. Hanggang ngayon, misteryo pa rin kung paano niya ito nagawa.
Gantimpala: Bumalik sa instruktor para kunin.
Malapad na ngumiti si Weed. Isa lang itong simpleng quest na may pinakamababang antas ng hirap (E). Pero puwede rin sanang naging mahirap kung hindi siya naging 'kaibigan' ng shopkeeper.
Nang matapos ang quest, ang sunod na gagawin ni Weed ay bumalik sa Training Hall para kunin ang gantimpala mula sa instruktor. Habang naghahanap si Weed ng tamang pagkakataon para magpaalam at umalis, nagsalita ang shopkeeper na abala sa pag-iisip.
"Hindi ko pa narinig kung paano niya inukit ang sinag ng buwan."
"Hindi ba sinabi sa inyo ng mga patron mula sa Royal Court?"
"Hmm, lagi nilang iniiwanan ito sa kanilang kuwento. Ayaw nilang sabihin sa akin. Sabi nila, si Queen Evane ng Rosenheim, nawa'y payapa ang kanyang kaluluwa, ay kasama sa pangyayari. Maaari mo ba akong tulungan at tingnan ito, upang masapat ang aking kuryosidad?"
Ting
Quest: Ang Nakaraan ng Sculptor
May tsismis na si Queen Evane ay kasama sa pangyayari nang magpakita ang sculptor sa Royal Palace at inukit ang sinag ng buwan. Nagtataka ang shopkeeper ng sculpture shop kung anong koneksyon ang umiiral sa pagitan nilang dalawa.
Antas ng Hirap: E
Babala: Kung matuklasan kang iniimbestigahan ang pinag-uusapang tsismis, malalagay ka sa panganib sa poot ng Royal Knights.
Nanginginig sa tuwa ang nakakuyom na kamao ni Weed. 'Ito, isa itong serial quest!'
Kahit na mababa ang antas ng hirap ng isang quest, tumataas ang mga gantimpala kapag serial quest ito. Habang parami nang parami ang yugto na kinukumpleto mo, pahirap nang pahirap ang quest. Kaya naman, karamihan sa mga serial quest ay napakahirap para kay Weed sa kasalukuyan niyang level.
Sa ngayon, ang tanging kayang tapusin ni Weed ay ang mga quest sa loob ng Citadel. Ito ay ang mga quest na nangangailangan lang ng pagtatanong at pagkuha ng impormasyon mula sa mga tao.
"Natatakot po ako na hindi pa rin ako sapat. Naniniwala po ako na hindi ako karapat-dapat sa inyong kahilingan." Sagot ni Weed.
"Sigurado ako na kaya mo ang gawaing ito. Ang iyong pagiging maingat ang magiging gabay sa kaligtasan." Sagot ng shopkeeper.
"Kung iyan ang sabi ninyo, tatanggapin ko ito nang maluwag sa kalooban," sabi ni Weed.
Ting
Tinanggap mo ang quest!
"Salamat, traveler. Ang isang bard na may kaalaman sa mga sinaunang kuwento at tsismis sa kalye ang dapat mong tanungin tungkol kay Reyna Evane. Mag-ingat! Ang bagay na ito ay labis na sensitibo, kaya hindi ka dapat magdulot ng gulo na maaaring humantong sa anumang paninirang-puri sa Pamilya ng Hari."
Pinigilan ang biglaang pagnanais na bumulong ng kanta, dumiretso si Weed sa isang pub sa tapat ng kalye.
"Magandang hapon~!" Binalikan ni Weed ang pagbati ng waitress, saka siya tumingin sa paligid para maghanap ng bard. May ilang kundisyon siyang hinahanap. Una, hindi niya isinama sa listahan ang mga bard user. Malabong may user na nakarinig na ng pangyayaring naganap sa Royal Palace limampung taon na ang nakalipas. Mas mainam para kay Weed na humanap ng isang Serabourgian native, marahil ay isang matanda.
Kahit pa hindi siya mahusay sa pag-awit ng mga balada, maaasahan ang isang matandang bard pagdating sa mga tsismis. Huminto si Weed sa ilang pub hanggang sa makahanap siya ng bard na akma sa kanyang inaasahan. Ito ay isang middle-aged bard, nasa edad kwarenta, at may karanasan sa parehong alindog at kabataan. Palakpak ang dalawang kamay, lumapit si Weed sa bard.
"Salamat po sa isang magandang balada, sir. Patawarin po ninyo ako sa paggambala, ngunit gusto ko po sanang magtanong ng ilang katanungan... Alam po ba ninyo kung ano ang nangyari limampung taon na ang nakalipas sa Royal Court ng Rosenheim?"
Inilahad ng bard ang kanyang palad. Agad namang naintindihan ni Weed ang ibig sabihin nito. Napakunot agad ang kanyang noo, at bahagyang umangat ang kanyang labi, na nagpapahiwatig ng matinding pagtitipid – ayaw niyang magsayang ng kahit isang sentimo.
"Mayroon kang tunay na kaakit-akit na boses. Pinahahalagahan ko ang iyong talento sa pagsulat ng lyrics at musika para sa balad na iyon. Bukod pa riyan, napakahusay mo rin sa pagtugtog ng instrumento..."
"..."
"Tiyak na maraming babaeng Serabourgian ang iyong pinahanga noong bata ka pa, noong nasa kasagsagan ng iyong karera. Siyempre, hindi ako nagdududa na hanggang ngayon ay marami ka pa ring napapaibig... Para sa isang bard, ang pakikipagsapalaran at pag-ibig ang pinakamahalaga. Ako rin, mahilig sa romance."
Hindi pa rin tinatanggal ng bard ang kanyang palad, at bigla itong sumabat, "Sawá na ako sa mga murang papuri mula sa mga tulad mo, estranghero. Ilabas mo ang pera, o umalis ka!"
Sandaling natulala si Weed.
"Susukuan ko na lang ba ang quest sa gitna? Sa kabilang banda, hindi naman ako parurusahan ng quest kahit huminto ako. Pero baka may malaking gantimpala ito mamaya, at ayaw kong palampasin iyon," bulong ni Weed sa sarili.
Dumulas ang kamay ni Weed sa kanyang bulsa at kumuha ng barya. Saka niya lang napagtanto ang kanyang pagkakamali: dalawang pilak! May dalawang pilak na barya sa kanyang bulsa. Iyon na lang ang pera niya, ang paunang bayad mula sa instruktor para sa nakaraang quest.
Agad namang inagaw ng bard ang pilak na barya mula sa kamay ni Weed.
Malaking pagkakamali na nakalimutan niyang magpalit ng mas maliliit na barya nang maaga.
'Hindi ako makapaniwala na nakagawa ako ng ganoong kalokohan!' Nanginginig ang katawan ni Weed sa pagkabagabag at kalungkutan.
"Hmph, ito ay isang lihim, kaya dapat mong panatilihin ito sa iyong sarili!" Bulong ng bard.
"Si Queen Evane at ang sculptor ay nagkaroon ng matalik na relasyon simula noong sila ay mga bata pa."
"Anong ibig mong sabihin sa matalik na relasyon...?" Tanong ni Weed.
"Ikaw na baliw! Wala akong ibang alam na matalik na relasyon sa pagitan ng isang lalaki at isang babae— nagmamahalan sila."
"Naintindihan ko," napagtanto ngayon ni Weed kung bakit ang pagpapakialam sa tsismis ay kailangang manatiling lihim sa Royal Court.
Dahil kung sakaling banggitin ang sagradong pangalan ng dating Reyna sa iskandalosong bagay na iyon, ang Royal Knights ay malamang na handang patahimikin ang sinuman sa anumang halaga upang mapanatili ang kanyang karangalan.
Sinulyapan ng bard ang paligid ng pub at maingat na idinagdag,
"Sila ay kapwa ipinanganak at lumaki sa parehong nayon, at lumaki nang minamahal ang isa't isa. Ang pangalan ng lalaki ay Zahab. Laging may dalang palamuti ang babae na inukit at ibinigay sa kanya ng lalaki. Noong bata pa siya, mayroon siyang pangarap na maging asawa niya balang araw, ngunit niloko sila ng Tadhana, at ang babae ay napili upang maging Royal Maid. Sa puntong iyon, iniwan siya ng lalaki. Ngunit sa huli, mayroon pa ring pangako sa pagitan nila."
"Anong pangako, kung maaari kong itanong?" Tanong ni Weed, ngayong na-curious na.
"Ipinangako ni Zahab na ipapakita niya sa dalaga ang pinakamagandang estatwa sa ilalim ng langit."
"Ipagpalagay ko, hindi iyon natupad. Ang Reyna ay siguradong mayroong maraming magaganda at maringal na estatwa sa kanyang lugar."
"Hindi, tinupad niya iyon. Maraming taon pagkaraan, nagpakita si Zahab sa kahilingan ng Royal Court. Sinasabi na, sa paningin ng kanyang gawa, labis siyang naantig, sinasabing ito ang pinakamagandang nilalang sa ilalim ng langit."
"Kung gayon, anong estatwa, para sa ngalan ni Freya, ang ipinakita niya kay Reyna Evane? Hindi madaling pahalagahan ng isang Reyna ang isang ordinaryong piraso."
"Totoo. Bisitahin mo ang katulong ng Reyna na nakasaksi sa araw na iyon, at pakinggan mo ang natitirang kuwento mula sa kanya. Hanggang dito lang ang masasabi ko sa iyo dahil narinig ko rin lang ito mula sa iba."
"Buhay pa ba siya?"
"Oo." Sinabi ng bard kay Weed ang daan patungo sa bahay ng katulong ng Reyna.
Nagpunta si Weed upang bisitahin siya. Siya ay retirado na, at nang banggitin niya si Reyna Evane at ang sculptor, malugod siyang tinanggap.
"Ang Kanyang Kamahalan ay napakabait at mapagbigay na babae. Kaya gusto mong marinig ang nangyari noon?"
"Opo, Ma'am."
"Nahanap mo ang tamang tao upang tanungin. Personal akong naglingkod sa Kanyang Kamahalan. Sa una, nagalit siya kay Zahab-nim nang una siyang bumisita sa palasyo."
"Bakit po, kung maaari kong itanong?"
"Iyon ang kanyang pangako. Noong sila ay bata pa, nagkaroon sila ng pangako, isang pangako na si Zahab-nim ay ipapakita sa Kanyang Kamahalan ang pinakamagandang estatwa sa ilalim ng langit. Ngunit nang siya ay lumitaw sa palasyo, may dala siyang espada, hindi isang sculpting knife. Sa paningin ng lahat, mukha siyang isang mahusay na swordsman na bihasa sa espada. Sana ay nakita mo kung gaano nasaktan ang Kanyang Kamahalan. Hindi mailarawan! Labis na naniwala ang Kanyang Kamahalan kay Zahab-nim na kahit bumaliktad ang mundo, mananatili siyang pareho magpakailanman, at gayundin, ang pangako sa pagitan nila ay banal." "..."
"Sa araw na iyon, nagpadala ang Brent Kingdom, na katabi ng Rosenheim, ng isang grupo ng mga mamamatay-tao. Inihayag nila ang kanilang mapanlinlang na ambisyon na agawin ang ating Kaharian, at tanging si Freya lamang ang nakakaalam kung gaano ako nagulat nang biglang pumasok ang mga mamamatay-tao at inatake ang Kanyang Kamahalan sa hardin."
"Ang mga masasamang taong iyon!"
"Oo, batang manlalakbay, masabi mo nga. Ilang Royal Knights ang naipit, kaya hindi nila napigilan ang mga kaaway—at naiwan kaming nakaharap sa kamatayan. Sa mismong sandaling iyon, pumasok si Zahab-nim sa hardin. Gaya ng nakikita mo, sa gitna ng labanan, binalaan siya ng Kanyang Kamahalan at inutusan siyang umalis. Ngunit ngumiti lang si Zahab-nim—"
"Ngumiti siya sa gitna ng ganoong mapanganib na sitwasyon?"
"—at sinabi niya na ipapakita niya sa kanya ang pinakamagandang estatwa na naiukit niya sa ilalim ng langit. Sa pagtataka ng lahat, ang sinag ng buwan ay nagkawatak-watak sa espada ni Zahab-nim. Ang ganda nito ay talagang nakamamangha. Kumakanta siya habang inuukit niya ang sinag ng buwan. Hindi ko maalala ang mga lyrics ng salita sa salita, ngunit ang pamagat ay A Sculptor's Heart.
Sa pakikinig sa kanta, lubos na umiiyak ang Kanyang Kamahalan. Ito talaga ang pinakamagandang estatwa na nakita ng prinsesa. Kung sana ay isinulat lamang ni Zahab-nim ang kanyang pangalan sa isang simpleng tabla, ngunit ituturing na ito ng Kanyang Kamahalan bilang pinakamagandang iskultura sa mundo, ngunit sinasabi ko sa iyo, ang tanawin na inuukit niya gamit ang sinag ng buwan ay literal na makalangit.
Nagkawatak-watak ang mga mamamatay-tao sa hindi maintindihang tanawin, at tinupad ni Zahab-nim ang kanyang pangako. Maraming taon na ang nakalipas, ngunit pinahahalagahan ko pa rin ang gumagalaw na alaala na iyon."
Pagkatapos, isang misteryosong flashback ang lumitaw sa harap ng mga mata ni Weed.
Whittle
Isang batang lalaki ang may hawak na maliit na sculpting knife sa kanyang mga kamay. Habang ang sculpting knife ay dumadausdos pataas at pababa, isang piraso ng kahoy ang nagiging isang anyo. Mukhang nag-uukit siya ng isang dalagita. Isang maliit at kaibig-ibig na dalagita. Sa pamamagitan ng kanyang pagkakayari, ang piraso ng kahoy ay binibigyan ng buhay. Isang batang babae, namumula hanggang sa kanyang mga tenga, ang nanonood sa kanya. Ang kamay ng batang lalaki na gumagalaw ng sculpting knife, at ang kanyang seryosong tingin. Mahal siya ng dalagita, at ang lahat tungkol sa kanya. Di-nagtagal ay ibinigay ng batang lalaki sa kanya ang natapos na estatwa. Napakakamukha nito ang dalagita.
"Sa ngayon, ang kaya ko lang gawin ay mag-ukit ng isang piraso ng kahoy. Ngunit balang araw, bibigyan kita ng pinakamagandang estatwa sa mundo."
"Salamat, Zahab. Inaabangan ko ang araw na iyon!"
Nagpangako ang batang lalaki at babae sa isa't isa, magkahawak kamay. Habang lumalaki ang dalagita, namumukadkad siya at nagiging isang bihirang kagandahan. Nakuha niya ang atensyon ng Hari at kalaunan ay naging Reyna siya.
Ngunit hindi masaya ang dalagita. Hindi pa rin masaya ang Kanyang Kamahalan sa araw na bumalik si Zahab upang makita siya. May dalang espada si Zahab, at hindi ang sculpting knife. Naglalakad nang mag-isa sa hardin, sumuko ang Kanyang Kamahalan sa matinding damdamin at kinuyom ang isang matinik na rosas. Dumugo ang kanyang palad ng kulay rubi na dugo.
"Bakit mo nakalimutan ang ating pangako? Ang pangako mo ay ang lahat sa akin..."
Nagdalamhati ang Kanyang Kamahalan sa sirang pangako. Nang gabing iyon, nilusob ng mga mamamatay-tao ang palasyo. Ang Brent Kingdom, isang palaging kaaway na kapitbahay, ay nagpadala ng mga mamamatay-tao. Ang mga Knight ng Rosenheim Kingdom ay nagsibagsak isa-isa. Siya at ang Kanyang Kamahalan ay natatakot sa kanilang napipinto at hindi maiiwasang kamatayan. Hinawakan ni Zahab ang kanyang espada, at nagsimulang sumayaw ang sinag ng buwan.
Ting
Quest Completed: Ang Nakaraan ng Sculptor
Ang pangako sa pagitan ng batang lalaki at babae ay tinupad. Ang mala-asul na sinag ng buwan ay nagkawatak-watak, na siya namang nagpabagsak sa mga mamamatay-tao.
Moonlight Sculptor Zahab—Nakarating ang kanyang Sculpture mastery sa antas ng isang Master.
Iniharap ang pinakamagandang estatwa sa kanyang kaibigan noong bata pa.
Nag-level up ka!
Nag-level up ka!
Sa pagtataka ni Weed, dalawang level ang itinaas para sa isang quest, at hindi pa iyon ang katapusan. Isang message window ang lumabas.
Muli siyang nagulat, ito ay isang class conversion window.
Ting
Class Change: Moonlight Sculptor (Hidden)
Maaari kang magpalit sa isang lihim na klase, ang Moonlight Sculptor. Kung tatanggapin mo ito, maaari kang matuto ng mga exclusive skills para sa klase na hindi ibinibigay sa mga pangunahing klase.
Gusto mo bang magpalit sa Moonlight Sculptor?
Oo | Hindi
Maraming user ang nagkakagulo upang matuklasan ang mga lihim na klase sa Royal Road, ngunit mas kaunti sa isa sa isang libo ang nakakatuklas nito.
Sumagot si Weed, "Ayoko."
Ting
Pakikumpirma ang iyong desisyon. Maaari kang magpalit sa isang lihim na klase, ang Moonlight Sculptor.
Gusto mo bang magpalit sa Moonlight Sculptor?
Oo | Hindi
"Ayoko," muling sagot ni Weed.
Para kay Weed, ang pagiging nakakulong sa isang sulok ng aparador at gumawa ng mga hindi gustong estatwa ay hindi man lang nararapat isaalang-alang.
Aminado siyang maaaring maging nakakatuwang klase ang pagiging isang sculptor kung maayos na sinanay. Ngunit kailangan niya ng isang klase na kumikita ng malaki para sa kanyang personal na kapakinabangan.
Nang magbalik-loob si Weed, pinapanood siya ng matandang katulong ng Reyna.
"Napakagandang kuwento. Maraming salamat po sa pagbabahagi nito sa akin, Ma'am."
"Walang anuman. Ikinalulugod kong ikuwento ang kanilang kasaysayan sa ganitong paraan. Kaya, batang adventurer, gusto kitang bigyan ng isang maliit na regalo. Mangyaring kunin mo ito?"
Hindi ba't kawalan ng kabaitan kung tatanggihan ang isang regalo na galing sa kabutihang-loob? Hindi naman ganoon kalupit si Weed para tanggihan ang anumang inaalok sa kanya. Dapat tanggapin ng isang tao ang anumang regalo nang may pasasalamat.
"Malugod ko po itong tatanggapin, Ma'am."
Kumuha ang matandang katulong ng isang bagay na nakabalot mula sa loob ng isang drawer. Mukha itong isang sinaunang scalpel.
"Ang sculpting knife na ito ay dating pag-aari ni Zahab-nim. Iniwan niya ito sa Kanyang Kamahalan, at sa akin naman ito napunta ngayon. At ang kahoy na estatwang ito ay inukit ni Zahab-nim. Paki-tanggap ang mga ito," sabi ng katulong ng Reyna.
"Matagal ko pong pahahalagahan ang inyong regalo." Sabi ni Weed.
Nakatanggap siya ng dalawang item mula sa kanya.
Ting
Nakatanggap ka ng Sculpting Knife. Nakatanggap ka ng Zahab's Legacy.
Naisip ni Weed na ang mga item na ito ay hindi pangkaraniwan dahil iniwan ang mga ito ng isa sa mga Masters ng Sculptural Art. Kahit ang kahoy na estatwa ay mukhang de-kalidad sa kaswal na tingin.
"Paki-ingatan nang mabuti ang sculpting knife at hawakan ni Zahab-nim."
"Opo, Ma'am." Magalang na sagot ni Weed.
Kalkulasyon ni Weed na maaaring mabenta nang maayos ang mga ito at kumita ng magandang tubo.
"Ipapakita sa iyo ng kahoy na estatwa kung nasaan ang pinagpapahingahan ni Zahab-nim. Sana ay hindi malibing magpakailanman ang kanyang sculpture mastery."
"Sana nga po, Ma'am."
"Kung sana ay marinig ko muli ang kanta noong araw na iyon... Lahat ng tungkol sa sculpture mastery ay nakatago sa sculpting knife na iyon."
"Paumanhin po?"
"Nasa sculpting knife ni Zahab-nim."
Sa sandaling iyon, tiningnan ni Weed ang sculpting knife.
May kutob siya na papalapit na ang isang hindi maiiwasang tadhana.
Ting
Quest: Sundin ang Huling Hiling ni Zahab
Hindi namatay si Zahab sa araw na iyon. Umalis siya patungo sa isang malayong kontinente upang subukan ang kanyang Sculpture Mastery.
Kapag nagtapos ka sa Sculpture Master, dapat mong hanapin si Zahab upang matutunan ang kantang A Sculptor's Heart mula sa kanya.
Pagkatapos, dapat kang bumalik dito at kantahin iyon sa matandang katulong ng Reyna. May tradisyon na huling nakita si Zahab na patungo sa Gray Pass Region.
Hirap: A
Kinakailangan sa Quest:
Dapat mong kumpletuhin ang quest na ito bago mamatay ang matandang katulong. Hindi pinapayagan ang pag-kansela.
Gantimpala: Maaari mong matutunan ang Item Identification Skill, Sculpture Mastery, Repair Skill, at Handicraft Skill.
Isang serial quest na may antas ng hirap na A, na nagbibigay ng apat na skill. Hindi masabi ni Weed kung siya ba ay mapalad o hindi.
Alam ni Weed na napakahirap kumuha ng mga skill na hindi akma sa kanyang klase. Ngunit ang mga skill na tulad ng Item Identification at Repair Skill, na natutunan niya kahit hindi siya nagpalit sa klase ng sculpture, ay malaki ang maitutulong. Ang problema lang, ang isang A-level quest ay matagal pa niyang makakaya, marahil ay ilang taon pa.
Sa kasalukuyan, ang karaniwang level ng mga manlalaro ng Royal Road ay nasa mahigit 100. Ang pinakamataas na level naman ay nasa mababang 300s. Kapag ang isang quest ay nangangailangan ng isang balanseng grupo ng mga power ranker na nasa level 300 para matapos, kilala ito bilang B-level na hirap.
Ibig sabihin, tumanggap lang si Weed ng isang quest na kailangan niyang maging mahigit level 400 para lang makayanan, lalo na para matapos.
Para bang hindi pa sapat, ang Gray Pass Region ay isa sa mga pinakamapanganib na lugar. Dito nakatira ang pinakamalakas na halimaw. Ito ay isa sa Sampung Nangungunang Ipinagbabawal na Lugar sa kontinente, kung saan siguradong mapupunit ka sa sandaling tumapak ka doon.
'Lintik!' Walang imik na naisip ni Weed.
Ang bilang ng mga quest na maaaring itago ng isang user sa anumang oras ay tatlo lamang. Ngayon na ang isa sa mga ito ay kinuha ng quest: 'Zahab's Last Wish', dalawang espasyo na lamang ang natira kay Weed para sa mga bagong quest.
Ngunit pagdating sa serial quest, hindi mahuhulaan kung anong mga gantimpala ang naghihintay sa manlalaro sa huli. Ang serial quest na ito ay nagpakita ng isang lihim na klase sa ikalawang yugto pa lamang. Kahit na tumanggi si Weed na magpalit ng klase, binigyan siya ng apat na kapaki-pakinabang na skill. Isipin na lang kung anong mga gantimpala ang naghihintay sa huling yugto.
Hindi tanga si Weed para tumanggi sa isang magandang pagkakataon. Gayunpaman, hindi pa rin niya alam kung kailan at paano magtatagumpay ang quest na ito.
Nagpaalam siya sa matandang katulong ng Reyna at bumalik sa sculpture stop.
"Oh Weed-nim, lubos akong nagpapasalamat sa iyong pagsisikap upang mabilisan akong bigyan ng resulta. Muli akong napanatag na tama ang desisyon na ipagkatiwala sa iyo ang quest na ito," sabi ng shopkeeper.
Binayaran ng shopkeeper si Weed bilang gantimpala para sa kahilingan.
Nakatanggap si Weed ng 2 pilak na barya, binawi ang pilak na barya na halos ninakaw ng bard. Nang bumalik siya sa Training Hall, nakatanggap siya ng isa pang pilak na barya, kasama ang isang salita ng papuri mula sa instruktor. Samakatuwid, umabot sa kabuuang 5 pilak ang kinita ni Weed sa ngayon.
Nag-level up din siya ng dalawang beses, sa level 3. Ibinahagi niya ang mga nakuhang stat bonus points nang pantay sa Agility at Strength.
"Bakit hindi ka tumatanggap ng isa pang quest?" tanong niya sa sarili.
Nakipagbuno si Weed sa biglaang tukso, ngunit muling dinampot ang kahoy na espada. Bihira ang quest na hindi ibinunyag sa publiko, katulad ng quest na katatapos lang niya. Iyon ang dahilan kung bakit nakakuha si Weed ng saganang gantimpala para sa kanyang level.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento